6.04.2007

"15 WEIRD THINGS"

Ner, heto na yung sagot. Labinlimang weird things tungkol sa akin na lingid sa kaalaman ng karamihan...

1. I include Rico Yan in my prayers pa rin. Rico, as in Ricardo Carlos Castro Yan, si Mr. Dimples Yan, si Mr. Eskinol, si Mr. Got to Believe in Magic. Ako ang number one naghinagpis nung namatay sya. Huhuhu.

2. I rush to the comfort room for comfort (Read: pag masama ang loob ko at hindi ang t'yan ko, I lock myself sa banyo, I cry at nag f flush ako ng toilet para ma flush ang sama ng loob ko, pati na rin, somehow, yung tao na source of sama ng loob ko).

3. Pag kinantahan kita, it means, close tayo. Kasi hindi ako kumakanta sa kahit kanino lang. Ang weird dun is, hindi talaga ako kumakanta. Tunog tula ang mga kanta ko.

4. Hindi ako umaalis ng bahay na hindi maayos ang room ko. Nag pa panic ako pag magulo.

5. I pinch my nose pag nine-nerbyos ako to calm myself.

6. The highest grade I got in college was a flat 1.00 for P.E. Volleyball. (eh, lampa ako)

7. Nalunod ako sa 3-foot deep na swimming pool (kiddie pool). Pano? Hindi ko din ma-imagine.

8. Tahimik ako, pero super kulit.

9. Payatot ako pero madami bilbil sa t’yan.

10. Food ang weakness ko (pero marami nagsasabi na hindi ako kumakain).

11. Tumataya ako sa Lotto. Primarily hindi para manalo, but mainly because may inaalagaan ako na numbers: 06, 09, 26, 08, 34, 07. Bakit? Hulaan nyo. Ang makahula, may free Lotto ticket!

12. Who says ang isda ay para sa isda at ang baka ay para sa baka lamang? Pinaghahalo ko ang tuna at corned beef as toppings sa rice. Yum, yum.

13. Ipagpapalit ko ang isang Hollywood film (kahit nominated pa sa Oscar) sa Star Cinema film (esp. pag John Lloyd-Bea ang stars)

14. Nagsasalita (daw) ako pag natutulog. Ang tanong, natutulog ba ako?

15. Sa modern na panahon na ito (and considering into tech stuff ang nature ng work ko), antigo ang mobile phone ko. Antigo, as in, 5210.

"KUMUSTAHAN"

Kumusta?


Hoy!
Ikaw ba yan?
Kamusta na?
Heto.
Tumaba ka na, ah.
Hehe. Depression.
Ha?
Wala. Kumusta na?
Ganun? Mukhang happy ka naman. Oi, parang walang pinagbago.
Medyo… ang totoo, madami…
Ano ka ba? Tahimik ka pa rin?
Umuuwi ka pa rin?
Sa Pampanga? Hindi na. Andito mom and dad ko. They’re staying with us sa Makati. More than a year na na sick si dad ko. Bedridden. Complications ng mga surgical procedures na ginawa sa kanya.
Ha? Ano nangyari? Your dad seemed healthy naman nuon, I remember.
Ah, long story. Congenital cyst lang sa may pituitary, just below the brain na inalis, pero nagka complications. Now it’s hydrocephalus. In and out kami sa hospitals nuon. Medyo ok naman sa ngayon na nasa bahay sya dito sa Makati. He’s supposed to undergo a final O.R. pero wala pa enough funds… So ngayon, parang hospital sa unit dyan na we’re renting.
(Yayakapin). You ok?
Better now. Kinakaya with the help of our relatives and friends.
How’s your mom?
Stronger now than before.
Si Ate?
May family na sya. May pamangkin na nga ako. Ok naman.
Hold on ka lang ha?
Oo naman. We’ll get through this, I know. Tumataya na nga kami sa Lotto.
Natuloy ka mag Med?
Hehe. Hindi. Mahirap yun eh.
Med Tech pre-med course mo?
Di. Ano, Biochemistry.
Wow. Hanep. Ano yun? Pang genius ang dating nun ha?
Eh, hindi ko din alam sa totoo lang. Baliw. Muntik nga akong hindi maka graduate nun eh.
Ha? Hindi ako naniniwala. Ikaw pa.
Oo, no? Ang only flat 1.00 grade ko is.. guess what? P.E. Volleyball.
Loka. Kelan ka pa naging sporty? Eh napaka lampa mo.
Napatunayan ko na hindi ako nerd.
Eh, ano na work mo ngayon?
I catch bugs now. Software QA. Ganun. Two years na. More than two years. Pero three months pa lang ako sa company na ‘to.
Bakit ka lumipat?
Tsismosa ka pa rin. Hehe.
Magaling ka pa ring manghula. Minamatyagan mo ba ako all these years? Hehe.
You have sad eyes.
You have clear eyes. Grabe, may third eye ka nga ata. Haha.
Oo na. Basta. There came a point na I had to consult with a Psychologist. And I did. I’m still on the ‘healing process’ sa ngayon. Kung tutuusin, hindi lang naman yung area na yun. About my entire self yun, my identity.
Ha? Nag illegal drugs ka ba?
Gaga. Hindi.
Alcohol?
Hay, naku.
Oi, ano, ito kasing mokong na ‘ito, super kulit. Pano? Una na ko, ha? Visit ko si dad mo one time. Kunin ko nga mob number mo.
Sa’n ba dito yung Eve and Co.? Dun ko daw sya i-m-meet kasama yung mother-in-law ko.
Turn right lang dyan.
Ok, sige.
Ingat ka ha.
Sige. Ingat din.

"DEDIKASYON"

Para sa 'yo, sa 'yo, at sa 'yo...

Nais kong ibahagi ang blog na ito sa:

  • Mga kalaro ko nuon ng taguan, ng shia-tok, ng jack stone, ng patintero
  • Mga klasmeyts ko, mga teachers ko, mga profs ko, mga trainors ko, mga school mates ko nuon sa Holy, sa Sacre, sa USTe, sa NIIT, sa DCSF na rin (especially dun sa ubod ng sungit pero cute na trainor na yun!)
  • Mga naka-2 way radio (10-2-10-4 over!), mga naka-text (gud a.m.), mga naka-eyeball (at naka-indianan)
  • Mga pinagnasaan ko (Oo na! Ako na ang nagnakaw ng picture mo sa Pharmacy bulletin board sa Main Bldg.), at mga nagnasa sa akin (Aminin mo na.)
  • Mga naka-trabaho (mga naka intriga, at mga ginulo ko) sa IMS, sa ICSEC, sa ApSmith, at mga ka-tabaho ko sa Safeway Philtech
  • Mga minahal ko (aware man o tanga’t hindi alam), mga inakala kong minahal ko (basta, ganun), mga nagmahal sa akin (nang totoo), at mga inakala kong nagmahal sa akin (areku!)
  • Mga bahagi ng pang araw-araw na buhay ko, mga bahagi ng paminsan-minsan na buhay ko (yung mga minsan lang magparamdam), mga minsan naging bahagi ng buhay ko (yung bigla na lang nawala), at mga hinding hindi na magiging bahagi ng buhay ko (sad but true)
  • Mga nagpa ngiti, mga nagpa tawa, mga nagpa iyak, mga nagpa kanta, at mga nagpa sayaw sa akin
  • Mga napa ngiti, mga napa tawa, mga napa iyak, mga napa kanta, mga napa sayaw ko (kung meron man)
  • Mga andyan na, at mga wala pa dyan (pero darating din, kung sakali man)

-TIN